Ang Bureau of Customs (BOC) ay nakakatanggap ng ulat ukol sa mga pekeng account gamit ang pangalan at larawan ng mga empleyado ng ahensya.
Ang naturang mga pekeng account ay nagpapanggap na taga-BOC at humihiling sa mga biktima na magbayad ng fees gamit ang online payment, money remittance o bank transfer.
Ang mga opisyal ng BOC, kasama na ang BOC Customer Assistance and Response Services, ay HINDI DIREKTANG nakikipag-ugnayan sa mga tatanggap ng parcel/package sa pamamagitan ng tawag sa telepono, text message, o email upang ipaalam o hilingin sa kanila na magbayad gamit ang online payment, bank deposit o money transfer para ma-release ang mga parcel/package.
Ang BOC ay nananawagan sa publiko na ireport ang katulad na pangyayari sa pamamagitan ng BOC hotline (02) 8705-6000 o sa mga sumusunod na mga social media account ng BOC:
FB: @BureauOfCustomsPH
IG: @customs.ph
Twitter: @customs.ph
Viber: @Bureau of Customs PH
Email: boc.cares@customs.gov.ph
All content is in the public domain unless otherwise stated.