Explore More

Philippine Standard Time:
21 January 2025, 14:16 PM

Balikbayan Box Guidelines and Frequently Asked Questions

MGA ALITUNTUNIN SA PAGPAPADALA NG BALIKBAYAN BOXES

 

(Guidelines in Sending Balikbayan Boxes)

 

Mahalagang impormasyon sa pagpapadala ng Balikbayan Boxes

Ang balikbayan boxes ay mula sa ibang bansa na naglalaman ng mga items tulad ng personal at household effects na ipinapadala sa pamamagitan ng mga freight consolidators at forwarders.

Kahit sino ay puwedeng magpadala ng Balikbayan boxes pero tanging ang Qualified Filipinos While Abroad (OFWs, Resident Filipino citizens na pansamantalang namamalagi sa ibang bansa) lang ang maaaring ma-exempt sa pagbabayad ng buwis.

Reference: Republic Act 10863 (CMTA) Section 800 (g), Customs Administrative Order (CAO 1-2018, Customs Memorandum Order (CMO) 18-2018

Proseso sa pagpapadala ng Balikbayan Box

Ang sender o Qualified Filipinos While Abroad ay dapat magsubmit sa Consolidator abroad ng:

  1. Information Sheet na maaring makuha sa:
  1. Photocopy ng biographical page ng Passport.
  2. Invoice o Resibo kung mayroon.

Mula sa Consolidator sa Abroad, ipapasa naman nito ang mga dokumento sa Bureau of Customs (BOC) at Freight Forwarder sa Pilipinas.

Ang Freight Forwarder sa Pilipinas ay ipapasa rin ang mga natanggap na dokumento mula sa abroad sa Bureau of Customs.

Bago ito ma-clear at ma-release for delivery, kailangan munang dumaan sa proseso ng Bureau of Customs tulad ng examination at pagbabayad ng duties and taxes, kung kinakailangan.

Pagkatapos ng prosesong nabanggit, maihahatid na sa inyong mga tahanan ang mga Balikbayan Boxes mula sa inyong kamag-anak sa ibang bansa.

(References: Republic Act 10863 (CMTA) Section 800 (g), Customs Administrative Order (CAO) 1-2018, Customs Memorandum Order (CMO) 18-2018)

MGA KARANIWANG TANONG TUNGKOL SA BALIKBAYAN BOXES

(Frequently Asked Questions on Balikbayan Boxes)

 

Anong mga bagay ang sumasailalaim sa hurisdiksyon ng Bureau of Customs?

Alinsunod sa batas, lahat ng bagay na pumapasok at lumalabas ng bansa ay sumasailalim sa hurisdiksyon ng Bureau of Customs.

(Republic Act 10863 (CMTA) TITLE III)

Ano ang kondisyon sa pagbubuwis sa mga Balikbayan Boxes?

Ang pagpapadala ng balikbayan boxes ng mga Qualified Filipinos na naglalaman lamang ng personal at household effects na hindi lalampas sa personal at normal na pangangailangan ay exempted sa pagbabayad ng buwis sa kondisyon na ito ay hindi lalagpas sa tatlong beses sa isang taon at hindi hihigit sa halagang 150,000.00 Pesos.

(Republic Act 10863 (CMTA) Section (g), Customs Administrative Order (CAO) 1-2018, Customs Memorandum Order (CMO) 18-2018)

Ano ang mga restrictions sa mga items na maaring iimport?

  1. Ang imported na bagay hindi ipinagbabawal ng batas.
  2. Para sa mga bagay na kontrolado (regulated o restricted) ang pag-angkat, dapat na ito ay may permiso ng mga kaukulang regulatory agencies.

(Republic Act 10863 (CMTA) Section 117-119)

Ano ang parusa sa mga mag-iimport ng mga ipinagbabawal na items o ng mga regulated items na walang kaukulang permit galling sa regulatory agency?

  1. Pagkumpiska
  2. Pagkakulong

(Republic Act 10863 (CMTA) Section 216, Republic Act 10863 (CMTA) Section 1113, Republic Act 10863 (CMTA) TITLE XIV)

Ano ang payo ng Bureau of Customs para sa mga Filipino na nagpapadala ng balikbayan boxes mula abroad?

  1. Makipag-usap lamang sa mga freight forwarder/deconsolidator na accredited ng Department of Trade and Industry (DTI).
  2. Makipag-ugnayan sa freight forwarder/deconsolidator tungkol sa mahahalagang detalye at status ng customs clearance.
  3. Makipag ugnayan sa ahensyang nakakasakop kung ang inangkat sa bagay ay regulated.
  4. Ideklara ang totoo at tamang items at halaga nito.

Republic of the Philippines
ABOUT  GOVPH

All content is in the public domain unless otherwise stated.

Skip to content