Explore More

Philippine Standard Time:
22 December 2024, 15:18 PM

Buying Online

Questions and Answers
Paano ang shipping ng item na nabili online?
  • Ang sender or merchant ay magpapadala ng item na nabili online sa pamamagitan ng mga international couriers (DHL, FedEx, UPS, USPS, Philpost, at iba) 
  • Ang shipping cost ay babayaran depende sa arrangement ng Merchant at Buyer. 
  • Ang value ng content at specific description ay required na ideklara sa mga air waybill. 
  • Hintayin ang kopya ng air waybill para mamonitor ang pag ship ng parcel papunta sa Pilipinas.
  • Tandaan ang mga regulasyon sa country of import o destinasyon. 
Ano ang proseso pagdating ng parcel sa Pilipinas?
  • Ang lahat ng Item na nabili online ay ihahatid under guard papunta sa mga Bonded Warehouse pagbaba ng eroplano.
  • Depende sa courier na ginamit. Ito ay irereceive ng Warehouse operator ng respective Bonded Warehouse
  • Ang lahat ng ito ay idadaan sa X-ray at K9 dog sniffing.
  • Idadaan rin ito sa mga customs clearance processes at maaaring masubject sa Physical Examination o compliance sang-ayon sa existing na mga regulasyon.
  • If all compliant, ito ay idedeliver ng inyong courier sa named claimant. 
Ano ang proseso para sa mga na-hold na parcels for Physical Examination?
  • Ang mga nahold na items ay sang-ayon sa mga existing na regulasyon katulad ng pag import ng mga regulated o restricted goods na kailangan ng mga additional na requirements;  at value na may higit na PHP 10,000.00 at iba pa. 
  • Ang courier ang mag nonotify sa claimant ng parcel sa pamamagitan ng notification letters.  
  • Maari rin makipag ugnayan sa mga contact hotlines ng inyong courier at ng Customs para sa mabilis na compliance at pag proseso. 
Ano ang proseso sa pag dedeliver ng parcels?

Kung na clear na ang parcel for delivery, ang mga items ay ipapadala ng courier directly sa address ng claimant.

Paano ang pag proseso ng parcel kung higit sa PHP 10,000 ang value nito?
  • Magkakaroon ng tax ang item kung ito ay may value na higit na PHP 10,000, depende sa taripa at uri ng item. 
  • Ito ay pwedeng bayaran directly sa customs cashier o via courier account.
  • mangyaring manghingi ng resibo pagbabayad.
  • Tandaan hinding-hindi nagpapabayad ang customs via deposit o private – individual accounts. Mag-ingat sa mga scammers!

    Republic of the Philippines
    ABOUT  GOVPH

    All content is in the public domain unless otherwise stated.

    Skip to content